Sana di mo minadaling lumaki ka na, nakakapagod pala dito. Miss na miss na kita batang ako, nakakamiss yung pakiramdam na may nag aasikaso sayo at yayakap tuwing may mabigat kang nararamdaman ngayon iiyak nalang mag isa dahil malayo na sila sayo. Hindi ko alam kung naging tama ang desisyon mo sa buhay pero wag ka mag alala may nagpapasaya sa atin ngayon dito at yun ang anak naten, pinakablessing na nareceive naten kay Lord, siya ang inspirasyon naten ngayon para lumaban sa buhay. Kapag pagod ka na pahinga ka lang tapos laban ulit! 🥹💪