πππππππ| πππππ, πππππ πππππππ ππππππππ ππ ππππππ-πππππ ππππππ πππππππππππ ππ ππππππππππ ππ ππππππ, ππππππ Patay ang isang pulis habang sugatan naman ang kabaro nito matapos araruhin ng isang pickup-truck habang nagsasagawa ng checkpoint operation sa Aguinaldo Highway, Brgy. Tubuan-2, Silang, Cavite, nitong ika-28 ng Enero. Ang nasawing pulis ay nakilalang si Patrolman John Carl Delyola, 25-anyos at ang sugatan naman ay si Patrolman Atienza na parehong miyembro ng 401st Maneuver Company ng RMFB 4A. Kinilala naman ng pulisya ang suspek na si alyas "Arvee", 22-anyos, na siyang nagmamaneho ng Isuzu 2012 DMAX 4x2 Double Cab, kulay ebony black mono na may plakang TOF638, at rehistrado sa pangalan ni Michael ng Lungsod ng Imus, Cavite. Ayon sa ulat, dire-diretso ang naturang sasakyan at inararo ang mga pulis pati na rin ang checkpoint signage. Agad namang dinala ang mga biktima sa ospital, ngunit pasado 6:11 ng umaga, ay pumanaw si Patrolman Delyola habang si Patrolman Atienza ay patuloy na nasa ospital. Kinumpirma naman ni Dr. Danielle Vince D. Capuno na ang suspek na si alyas βArveeβ ay positibo sa alak base sa resulta ng breath test. Samantala, nakaburol na sa J.P Rizal Memorial Chapel sa Calamba City, Laguna ang nasawi at kagabi ay dumalaw naman si PRO 4A Regional Director PBGEN Paul Kenneth Lucas upang makiramay at mag-abot ng tulong pinansyal sa naiwang pamilya ng nasawing pulis. Photo and Video Source: Cavite PPO #dzjv1458khzonlinenews #condolence #viral #pulisnyopo #pulispatay #fy #tvpatrol #news #balita #raffytulfoinaction