info
SEPTEMBER 20, 2023 This is not a typical me, recording while holding myself not to cry in the midst of street. Nasa Marikina Park ako, nakaupo at naka earphone lang hanggang sa tumabi sa akin si lola at nakikiusap kung pwede ba siyang umupo. Habang nag-aayos ako ng hair, napansin ko nagp-pray si lola at super tahimik then maya-maya in-approach niya ako to ask kung anong oras na tapos nag start na lang siyang mag kwento bigla. Madalas daw siyang nandoon sa Park para libangin ang sarili. Gaya ninyo, hinahanap pa rin ang sarili. Wala siyang kasama sa bahay nila kasi yung isang apo niya na kasa-kasama niya palagi ay namatay na. Sinasadya niya raw umalis para hindi niya maalala lahat kasi sobrang sakit daw. Ayun na lang daw kasama niya sa buhay na alam niyang hindi siya pababayaan tapos nawala pa 😭 I met my weakness! She's crying and it was so painful for me to see her. (Call me OA but she's real. She's in pain and wala siyang mapagsabihan. Ganun kalala). May anak siya pero paminsan-minsan lang na dumadalaw sa kaniya. May apo raw siyang iba pero parang hangin lang daw siya. She's even questioning her worth, kung may silbi pa ba raw siya rito? I'm starting crying when she said "Alam mo ba, nagdadasal ako kanina sabi ko gusto kita makausap, sana pagbigyan ako. Naaalala ko sa iyo yung apo ko" and mas lumala pa yung iyak ni lola. Sabi pa niya "Sobrang lungkot ko kaya. Araw-araw. Para akong mababaliw sa bahay kasi wala akong cellphone, sira naman radyo pati TV hindi gumagana tapos ako lang mag-isa natutulog. Minsan nga iniisip ko sana makakilala ako na mag-isa na lang sa buhay para sabihin kong doon na lang siya sa bahay ko". Sobrang dami pa niyang kwinento to the point na I don't mind kung ma-late ako sa ganap ko. Nasa isip ko lang, she need me. She need someone na makakausap at ano ba naman ang isang oras para mapagaan ang loob at maparamdam na hindi siya nag-iisa. I gave her foods pagbalik ko and nagpaalam na rin ako. Hindi ko na kayang pigilan luha ko nung sinabi niyang "Iiwan mo na rin ako?" 😭. She hugged me and said "thank you". Pagtalikod ko boogsh! 😭😭 #fyp #fypシ゚viral #fypシ #fypage #grandparents #lola #grandma #marikina #marikinapark #loveofgrandmother
Duration: 69 sPosted : Wed, 20 Sep 2023 03:24:55Views
1.8MDaily-
Likes
252.0KDaily-
Comments
2.6KDaily-
Shares
8.6KDaily-
ER
14.62%Daily-
Latest