Bangag sa droga — ‘yan ang walang prenong tirada ni dating presidente #RodrigoDuterte kay Pres. #BongbongMarcos bilang bahagi ng kanyang talumpati sa One Nation, One Opposition rally kagabi, Jan. 28. Aniya, pinakitaan siya ng Philippine Drug Enforcement Agency #PDEA ng watch list noong siya'y alkalde pa ng Davao kaugnay ng ilegal na droga kung saan sangkot umano ang pangalan ng Pangulo. Wala nang ibinigay na detalye si Duterte kaugnay ng paratang. Giit niya, matagal niyang piniling manahimik at ngayong naisiwalat na niya sa publiko, nanindigang hindi siya hihingi ng tawad kay Pres. Marcos, Jr. #News5 #NewsPH #SocialNewsPH #BreakingNewsPH