Naniniwala si Cristy Fermin na tapos na ang relasyon nina Liza Soberano at Enrique Gil. Sa ‘Showbiz Now Na’, sinabi ni Fermin na hindi na raw binabanggit ni Liza si Enrique sa mga interview, kahit pa tungkol sa love team ang usapan. “Mula nung lumipat na ng management itong si Liza Soberano, hindi niyo po napansin na hindi na niya nababanggit talaga si Enrique Gil,” lahad ni Cristy. Dahil dito’y marami na raw ang nag-iisip na hiwalay na nga ang LizQuen. “Kaya mas marami po ang naniniwala na tapos na itong relasyon na LizQuen, wala na to!” sey pa ni Fermin. “Isang araw hintayin na lang po natin, aamin din po sila. Hindi ito pwedeng itago ng panghabang panahon,” aniya pa. #fyp #lizasoberano #enriquegil #cristyfermin #storytime #Philippines #cjreyes