Replying to @barrientos20 Paano mag-apply bilang FACTORY WORKER sa SOUTH KOREA?🇰🇷 📌QUALIFICATIONS AND REQUIREMENTS📌 ✅Aged between 18 and 38 ✅Elementary/Highshool/College Undergraduate/College Graduate ✅With or without experience ✅No height and weight requirements ✅May Tattoo? Pwede! ✅Girl,Boy,Bakla,Tomboy ✅Married,Single,Single mom/dad ✅Fit to work ✅Not color blind ✅Kumpleto ang daliri ✅No slipped disc ✅No criminal record ✅No record of deportation 👉NOTE: YOU MUST HAVE ATLEAST 1 YEAR VALID PASSPORT ON THE DAY OF EPS TOPIK EXAM REGISTRATION. Steps📌 1. Punta po http://www.dmw.gov.ph para gumawa ng E-reg account. 2. Habang nag iintay ng schedule ng exam, hanap po kayo ng Korean Language Review Center. Pwede din po na self study, pero I strongly suggest na mag enrol sa review center. (kapag may EXAM date na) 3.Wait for the announcement para sa registration ng exam. Para laging updated sa EPS NEWS, mag join po kayo sa mga EPS/KLT Group sa FB. Online registration po. Hindi na kailangang pumunta sa DMW. Ihanda lang yung scanned copy ng passport at picture. 24 US Dollar or 1,300pesos po bayad para sa exam. Online din po yung payment. Always visit DMW website para malaman kung may schedule na ng registration. www.dmw.gov.ph 4. Kung successfully registered na wait for the schedule of exam. 👉Note: ☆Government to government po ang process meaning walang placement fee or agency. ☆3D po karamihan ng work dito Dirty, Difficult, Dangerous. Meron din naman pong madali. ☆Employment contract po kadalasan ay 3 years na pwede ma extend ng 1 year and 10 months. ☆Some companies ay nagbibigay ng sincere employment or additional na 4years and 10 months pa. Kung qualified ang company at nagustuhan ang performance mo. 📍Kapag naipasa mo ang EXAM, maghihintay ka ng ANNOUNCEMENT ni DMW kung kelan pwede mag-pasa ng MEDICAL RESULTS. 📍Kapag nakapagpasa kana ng MEDICAL RESULTS sa DMW, ieencode na nila yun sa DATA BASE nila. at ikaw ay mapapabilang na sa ROSTER or sa pagpipilian ng mga EMPLOYER dito sa SOUTH KOREA.🇰🇷 meaning waiting kana lang. Abangan kung kelan ang MASSIVE SELECTION or kahit hindi MASSIVE SELECTION ay may mga naseselect. 📍Sure naman ehh mag kaka idea kana ng mga susunod na steps or mga pagdadaanan, mga paghihintay. wag mainip. 😁 📌Mga Gastos, hindi naman po biglaan yan. Magkakaroon ka ng time para paghandaan at makapangutang.😊 Ang gastos na ito ay para lamang sa mga may Employer na at paalis na pa Korea🇰🇷 kung hindi ka naman pumasa sa exam, wag mo problemahin ang gastos.✌️ 🟡KLCT-500 php 🟡Medical-1,200 php 🟡NBI-130 php 🟡PSA-365 php 🟡Visa Fee-3,000 php 🟡Tb test & COH-1,900 php 🟡Swab test(Manila Doctor's)-3,360 php 🟡Pregnancy Test-250 php 🟡Airline Ticket-26,000-27,000 php 🟡DMW Processing Fee-2,795 php 🟡Owwa Membership-1,397 php 🟡Pag-ibig-300php plus additional pang-300php 🟡Pocket Money-8,000-10,000 php kung may extra pa,dagdagan niyo nalang para may panggastos kayo ng 1buwan na pangkunsumo. Monthly po kasi ang sahod dito. 📌BENEFITS AFTER THE CONTRACT📌 Bigyan ko lang po kayo ng idea kung magkano po ang naiuwe ko, after ng 5years & 11months ko sa Korea.🇰🇷 📍Kukmin⬇️ 🇰🇷14,591,746 won 🇵🇭611,450 pesos 📍Samsung Twejikum⬇️ 🇰🇷9,477,670 won 🇵🇭397,150 pesos 📍Twejikum sa Company⬇️ 🇰🇷8,034,963 won 🇵🇭336,695 pesos 📍Return Cost Insurance⬇️ 🇰🇷400,000 won 🇵🇭16,761 pesos 📍Yeoncha/VL with Pay⬇️ 🇰🇷879,360 won 🇵🇭36,848 pesos 📍Last Salary⬇️ 🇰🇷2,845,102 won 🇵🇭119,220 pesos Total=🇰🇷36,228,841 won or 🇵🇭1,517,781 pesos NOTE: Kapag hndi ka naka one year sa company wala kang makukuhang twejikum. *Sa ngayon po yan lang po ang alam ko na posibleng maiuwi after ng contract. NOTE: Sample computation lang po eto, MAS MATAAS NA ANG BASIC SALARY NGAYON 2,010,580 won na.(88,774 pesos) pwedeng mas maliit o mas malaki ang maiuwi depende sa sahod at company na mapupuntahan. ❣️Sana makatulong sainyo! God bless po.😇 #sharingiscaring 🥰 #epskorea🇵🇭❣️🇰🇷 #factoryworkerinsouthkorea