Halagang PHP 2.5-milyon ng smuggled premium quality rice ang ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2,000 na katutubo at iba pang benepisyaryo sa Iriga City, Camarines Sur ngayong Setyembre 23. Sa kanyang talumpati, inanyayahan ni PBBM ang mga residente na makiisa sa mga programa ng pamahalaan, partikular na sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na inilunsad din nitong umaga. Ayon sa Pangulo, layunin ng mga inisyatibong gaya nito na ilapit sa mga mamamayan ang serbisyo para sa kanilang kaunlaran at kaginhawaan.#Sarahduterte2025 #bagonglipunan #pbbm