Gusto ko i-share sainyo ito because even ako, until now, this photo still gives me goosebumps. Kayo na bahala mag zoom! This photo of my cousins was taken sometime in July 2010 sa second floor ng bahay. To give you guys a mental picture of their house, it has three floors, malaki at malawak ang bahay at sa unang tingin pa lang ay makikita na hindi natapos ang construction ng bahay. According to my cousin, noong time na ginagawa ang bahay nila, dalawa sa trabahador nila ay aksidenteng na kuryente. Mag tito raw sila. Yung pamangkin halos nakalbo na at pumutok na ang private parts dahil sa tindi ng voltage pero pinilit niyang lumaban at nadala pa ito sa Manila. Unfortunately, pareho silang binawian ng buhay. Nagtanong ako sa pinsan ko kung yun ba ang dahilan kung bakit hindi natapos ang bahay, isa daw yon sa dahilan at sinagot nila ang hospital bills, burol at libing. Bukod pa doon, na overlook rin nila at medyo napalaki ang bahay. This photo changed my belief towards spirits and entities kasi alam kong hindi na edited ito. This was on the second floor of their house, so it’s impossible na may tao outside ng window. At mas lalong imposible na reflection dahil ang bintana at screen ng bintana ay parehong bukas 🥲 Edit: Sa baba po is business office and cark park. Upstairs po ang living room, kitchen and bedrooms. #trend #tiktok #horror #fyp