Paalam Ms.Jaymee Joaquin 😭💔🕯️ Stage 4 Breast Cancer 😭🙏 Pumanaw na ang actress, model, host at content creator na si Jaymee Joaquin noong October 18, matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa sakit na cancer. Siya ay 44 taong gulang. Nakilala si "Kabagang" Jaymee bilang host ng late-night interactive game show na "Games Uplate Live" na pinalabas sa ABS-CBN noong 2006 hanggang 2009. Isa ring segment host si Jaymee sa Sunday talk show ni Megastar Ms. Sharon Cuneta, na pinamagatang "Sharon", noong mid-late 2000s. Lumabas din bilang aktres sa iba't ibang Kapamilya shows si Jaymee, kagaya ng "Bora: Sons of the Beach", "Love Spell", "Super Inggo 1.5", "Ligaw Na Bulaklak", "Parekoy" at "Habang May Buhay", at sa mga pelikulang "Kutob", "Shake Rattle & Roll 9", "A Love Story", "My Big Love" at "Ang Tanging Ina N'yong Lahat". Noong 2017, nilunsad ni Jaymee ang kanyang YouTube channel at social media platforms na "Jaymee Wins", kung saan binabahagi niya ang kanyang pananatiling positibo habang nilalaban ang breast cancer, na na-diagnose noong 2016. Taos-puso kaming nakikiramay sa mga mahal sa buhay ni Jaymee Joaquin. #ctto #ripjaymeejoaquin #paalamjaymeejoaquin #actress #model #stage4 #fighting #breastcancer but Suddenly she #passedaway #lord #protect #save in your #heaven #paalam Maraming Salamat Po sa mga masasayang Ala-Ala at inspiration na Binahagi mo Po Sa Amin😭🙏 Ms.Jaymee Saludo Po kaming Lahat sa iyong pakikipalaban sa Hamon Ng buhay.Kahanga Hanga Po Ang iyong ipanakitang Tapang sa aming Lahat Lalo na sayong mga Suporta💔👏🤲😭.God Always Protect you in Heaven. #ellowealviso #ellowe #rip ctto Videos from #reels Jaymee Joaquin and Pictures ©