My Eulogy note. (na hindi alam ng kahit sino, No edit) Mommy, Hi Mommy! kamusta ka dyan? Sana ok ka. kase kami pinipilit namin maging ok dahil yun ang gusto mo. alam ko ayaw mo kaming nalulungkot at nahihirapan pero para sayo mi, magiging ok kame. Promise! Share ko lang po no? ako po ang bunso sa buong pamilyq, hindi po kame mayaman pero feeling ko prinsesa ako ng mommy at daddy ko (kaya siguro ako tamad) π para po sa kaalaman ninyo, hindi po ako nakaranas mag cleaner sa school. ayaw nya pong kasali ako sa naglilinis after school, so ang strategy nya po ay susuhulan nya ng gallon ng floorwax yung teacher ko. tsaka madaming basahan. Mahal na mahal kita me, naiinis na nga yung iba kase feeling maganda ako talaga. pano koba hindi mafifeel na maganda ako e palagi nya kong sinasabihan ng "bunso, you're so pretty" habang inaayos yung buhok ko. mula nung bata ako hanggang nagkaasawa ako ginagawa at sinasabe nya yon.. hindi na kona iisa isahin pa ang kabutihan mo me. alam kong maraming nakakakita ng kabutihan mo kahit hindi ko sabihin. mamimiss kita. yun lang naman ang nakakalungkot, pero kapag iniisip kong kasama mo na sila inay, tatay at si God sa itaas, lumalakas ang loob ko. alam kong hindi mo kame papabayaan. alam kong andyan ka lang at hindi kame iiwan. presensya mo lang ang nawala. pero buhay na buhay ka sa puso ko. wag mo kaming alalahanin dito. in time magiging okay na okay din kaming lahat lalo si daddy. Ingat ka sa travel mo me ha. We love you so much. ππ€ #fyp #mother #mommyinheaven